23. Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.
24. Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan.Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.
25. Ang dagat ay napakalawak,at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.
26. Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.
27. Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.
28. Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito,at silaʼy nabubusog.
29. Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila;at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.
30. Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga,at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.
31. Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.
32. Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan.Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.
33. Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay.Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.
34. Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.Akoʼy magagalak sa Panginoon.