20. Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi;at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.
21. Umaatungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain na sa inyo nagmumula.
22. At pagsapit ng umaga, bumabalik sila sa kanilang mga lungga,at doon nagpapahinga.
23. Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.
24. Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan.Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.
25. Ang dagat ay napakalawak,at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.
26. Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.
27. Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.
28. Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito,at silaʼy nabubusog.
29. Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila;at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.
30. Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga,at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.
31. Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.