12. At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.
13. Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan.At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.
14. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,at ang mga tanim ay para sa mga taoupang silaʼy may maani at makain –
15. may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila,may langis na pampakinis ng mukha,at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.
16. Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy,ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.
17. Doon nagpupugad ang mga ibon,at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto.
18. Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan.Ang mga hayop na badyer ay naninirahan sa mababatong lugar.
19. Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon;at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.