Salmo 104:11-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

12. At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13. Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan.At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,at ang mga tanim ay para sa mga taoupang silaʼy may maani at makain –

15. may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila,may langis na pampakinis ng mukha,at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

Salmo 104