1. Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat.Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.
2. Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit.At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.
3. Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan.Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan,at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.