Salmo 103:4-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Inililigtas niya ako sa kapahamakan,at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.

5. Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay,kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

6. Ang Panginoon ay matuwid ang paghatol;binibigyang katarungan ang lahat ng inaapi.

7. Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan,at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan.

8. Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin,hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

9. Hindi siya palaging nanunumbat,at hindi nananatiling galit.

10. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan.Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang.

Salmo 103