11. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa,ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.
12. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran,ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.
13. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak,ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.
14. Dahil alam niya ang ating kahinaan,alam niyang nilikha tayo mula sa lupa.
15. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo.Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.
16. At kapag umiihip ang hangin,itoʼy nawawala at hindi na nakikita.
17-18. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos.At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.