1. Pupurihin ko ang Panginoon!Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.
2. Pupurihin ko ang Panginoon,at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.
3. Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan,at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.
4. Inililigtas niya ako sa kapahamakan,at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.
5. Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay,kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.
6. Ang Panginoon ay matuwid ang paghatol;binibigyang katarungan ang lahat ng inaapi.
7. Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan,at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan.
8. Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin,hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.
17-18. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos.At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.