8. Palagi akong iniinsulto ng aking mga kaaway.Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.
9. Hindi ako kumakain;umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,
10. dahil sa tindi ng inyong galit sa akin;dinampot nʼyo ako at itinapon.
11. Ang buhay koʼy nawawala na parang anino,at nalalantang gaya ng damo.
12. Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman;at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi.
13. Handa na kayong kahabagan ang Zion,dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.
14. Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion,kahit itoʼy gumuho na at nawasak.
15. At ang mga bansang hindi kumikilala sa Dios ay matatakot sa Panginoon.At ang lahat ng hari sa mundo ay igagalang ang inyong kapangyarihan.
16. Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion;ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon.
17. Sasagutin niya ang panalangin ng mga naghihirap,at hindi niya tatanggihan ang kanilang mga dalangin.
18. Isusulat ito para sa susunod na salinlahi,upang sila rin ay magpuri sa Panginoon: