22. kapag nagtipon na ang mga tao mula sa mga bansa,at mga kaharian upang sumamba sa Panginoon.
23. Pinahina ng Panginoon ang aking katawan;at ang buhay koʼy kanyang pinaikli.
24. Kaya sinabi ko,“O aking Dios na buhay magpakailanman,huwag nʼyo muna akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay.
25. Sa simula, kayo ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.
26. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili kayo magpakailanman.Maluluma itong lahat tulad ng damit.At gaya ng damit, itoʼy inyong papalitan.
27. Ngunit hindi kayo magbabago,at mananatili kayong buhay magpakailanman.