Salmo 102:13-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Handa na kayong kahabagan ang Zion,dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.

14. Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion,kahit itoʼy gumuho na at nawasak.

15. At ang mga bansang hindi kumikilala sa Dios ay matatakot sa Panginoon.At ang lahat ng hari sa mundo ay igagalang ang inyong kapangyarihan.

16. Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion;ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon.

17. Sasagutin niya ang panalangin ng mga naghihirap,at hindi niya tatanggihan ang kanilang mga dalangin.

18. Isusulat ito para sa susunod na salinlahi,upang sila rin ay magpuri sa Panginoon:

19. Mula sa kanyang banal na lugar sa langit,tinitingnan ng Panginoon ang lahat sa mundo,

20. upang pakinggan ang daing ng kanyang mga mamamayan na binihag,at palayain ang mga nakatakdang patayin.

21. At dahil dito mahahayag ang ginawa ng Panginoon sa Zion,at siyaʼy papurihan sa lungsod ng Jerusalem

Salmo 102