3. Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan.Pinupuri nila ang mga sakim,ngunit kinukutya ang Panginoon.
4. Dahil sa kahambugan ng mga taong masama,binabalewala nila ang Dios,at ayaw nila siyang lapitan.
5. Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay,at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan.Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway.
6. Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.
7. Silaʼy lapastangan kapag nagsalita, sinungaling at mapagbanta,at sila na rin ang nagsasabi ng masasakit at masasamang salita.
8. Sa liblib na mga lugar silaʼy nagtatago,at nag-aabang sa mga inosente na kanilang papatayin.