1. Panginoon, bakit parang kay layo nʼyo sa akin?Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin?
2. Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang.Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano.
3. Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan.Pinupuri nila ang mga sakim,ngunit kinukutya ang Panginoon.
4. Dahil sa kahambugan ng mga taong masama,binabalewala nila ang Dios,at ayaw nila siyang lapitan.
5. Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay,at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan.Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway.