Roma 9:26-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

26. At sa mga sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ ”

27. Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit na maging kasindami pa ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kakaunti lang sa kanila ang maliligtas,

28. dahil mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mga tao sa mundo.”

29. Sinabi rin ni Isaias,“Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.”

30. Ano ngayon ang masasabi natin tungkol dito? Ang mga hindi Judio na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Dios na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya.

31. Pero ang mga Judio na nagsikap na maituring na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kautusan ay nabigo.

32. Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Jesu-Cristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.”

33. Gaya nga ng sinabi ng Dios sa Kasulatan,“Maglalagay ako sa Zion ng batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila.Pero hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kanya.”

Roma 9