Panaghoy 5:16-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala.

17. Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin.

18. Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.

19. O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.

20. Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan?

21. Ibalik nʼyo kami sa inyo, at kami ay babalik. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan.

22. Talaga bang sobra na ang galit nʼyo sa amin kaya itinakwil nʼyo na kami?

Panaghoy 5