Panaghoy 3:59-63 Ang Salita ng Dios (ASND)

59. Panginoon, nakita nʼyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan nʼyo ako ng katarungan.

60. Alam nʼyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.

61. Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang mga pangungutya nila at alam nʼyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.

62. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin.

63. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit.

Panaghoy 3