54. Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako.
55. Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon.
56. Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong.
57. Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi nʼyong huwag akong matakot.
58. Tinulungan nʼyo ako sa problema ko Panginoon, at iniligtas nʼyo ang buhay ko.
59. Panginoon, nakita nʼyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan nʼyo ako ng katarungan.
60. Alam nʼyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.
61. Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang mga pangungutya nila at alam nʼyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.
62. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin.
63. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit.
64. Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa.
65. Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila.