15. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan.
16. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa.
17. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan.
18. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon.
19. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko.
20. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako.
21. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na
22. ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol.
23. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!
24. Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”
25. Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.
26. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.
27. Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang sumunod.
28. Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.
29. Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.
30. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway.