Panaghoy 3:11-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.

12. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin.

13. Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko.

14. Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya.

15. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan.

16. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa.

17. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan.

18. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon.

19. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko.

20. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako.

21. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na

22. ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol.

23. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!

Panaghoy 3