Panaghoy 3:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon dahil sa kanyang galit.

2. Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.

3. Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.

4. Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.

5. Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.

6. Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.

7. Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.

8. Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.

9. Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.

10. Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako.

11. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.

12. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin.

Panaghoy 3