Pahayag 17:17-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Niloob ng Dios na maisakatuparan ng sampung hari ang kanyang layunin. Kaya mapagkakasunduan nila na ipailalim sa halimaw ang kapangyarihan at pamamahala nila hanggang sa matupad ang sinabi ng Dios.

18. “Ang babaeng nakita mo ay ang sikat na lungsod na naghahari sa mga hari sa mundo.”

Pahayag 17