Pahayag 14:13-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. Mula ngayon, makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa. At ito ay pinatotohanan mismo ng Banal na Espiritu.”

14. Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang tao. May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit.

15. At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo, dahil panahon na ito ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!”

16. Kaya ginapas na ng nakaupo sa ulap ang aanihin sa lupa.

17. Nakita ko ang isa pang anghel na lumabas sa templo roon sa langit, at may karit din siyang matalim.

Pahayag 14