1-7. Ito ang talaan ng mga pari at ng mga Levita na bumalik mula sa pagkabihag kasama ni Zerubabel na anak ni Shealtiel at ni Jeshua na punong pari. Ang mga pari ay sina Seraya, Jeremias, Ezra, Amaria, Maluc, Hatush, Shecania, Rehum, Meremot, Iddo, Gineton, Abijah, Mijamin, Moadia, Bilga, Shemaya, Joyarib, Jedaya, Salu, Amok, Hilkia, at Jedaya. Sila ang mga pinuno ng mga kapwa nila pari at ng kanilang mga kasama noong panahon ni Jeshua.
10. Si Jeshua ay ama ni Joyakim. Si Joyakim ay ama ni Eliashib. Si Eliashib ay ama ni Joyada.
11. Si Joyada ay ama ni Jonatan. At si Jonatan ay ama ni Jadua.
12-13. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari noong si Joyakim ang punong pari:Si Meraya ang pinuno ng pamilya ni Seraya.Si Hanania ang pinuno ng pamilya ni Jeremias.Si Meshulam ang pinuno ng pamilya ni Ezra.Si Jehohanan ang pinuno ng pamilya ni Amaria.