Nehemias 11:27-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

3-4. Ang ibang Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga utusan sa templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.Mula sa lahi ni Juda:Si Ataya na anak ni Uzia. (Si Uzia ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Amaria. Si Amaria ay anak ni Shefatia. At si Shefatia ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Perez.)

27. Hazar Shual, Beersheba, at sa mga baryo sa palibot nito.

28. Mayroon ding nakatira sa kanila sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga baryo sa paligid nito,

29. sa En Rimon, Zora, Jarmut,

30. Zanoa, Adulam, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito. Ang iba pa sa kanila ay nakatira sa Lakish at sa malalapit na mga sakahan, at sa Azeka at sa mga baryo sa paligid nito. Kaya nakatira ang tao sa Juda mula sa Beersheba hanggang sa Lambak ng Ben Hinom.

31. Ang ibang mga mamamayan ng Benjamin ay nakatira sa Geba, Micmash, Aya, Betel, at sa mga baryo sa paligid nito.

32. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Anatot, Nob, Anania,

33. Hazor, Rama, Gitaim,

34. Hadid, Zeboim, Nebalat,

35. Lod, Ono, at sa Lambak ng mga Manggagawa.

36. Ang iba pang mga Levita na nakatira sa Juda ay pinatira kasama ng mga mamamayan ng Benjamin.

Nehemias 11