1. Ang mensahe ng aklat na ito ay tungkol sa Nineve. Itoʼy ipinahayag ng Panginoon kay Nahum na taga-Elkosh.
2. Ayaw ng Panginoong Dios na sumamba ang mga tao sa ibang mga dios. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila.
3. Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
4. Sa utos lamang niyaʼy natutuyo ang mga dagat at mga ilog. Nalalanta ang mga tanim sa Bashan, sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon.
5. Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya, pati na ang mga bundok at mga burol, at ang mga tao sa mundo ay nanginginig.