1. Sinabi ni Micas: Kawawa ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng mga natirang bunga ng ubas o igos pero walang makita ni isa man.
2. Ang ibig kong sabihin, wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon para patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag sa hayop na kanyang huhulihin.