3. Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos.
4. Tinitigan siya nina Pedro at Juan. Pagkatapos, sinabi ni Pedro sa kanya, “Tumingin ka sa amin.”
5. Tumingin ang lalaki sa kanila na naghihintay na malimusan.
6. Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong pera. Ngunit may ibibigay ako sa iyo: Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!”
7. At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito at pinatayo siya. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong.