Mga Gawa 3:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Isang araw, bandang alas tres ng hapon, pumunta si Pedro at si Juan sa templo. Oras noon ng pananalangin.

2. Sa pintuan ng templo na tinatawag na “Maganda” ay may isang taong lumpo mula nang ipinanganak. Araw-araw siyang dinadala roon para humingi ng limos sa mga taong pumapasok sa templo.

3. Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos.

4. Tinitigan siya nina Pedro at Juan. Pagkatapos, sinabi ni Pedro sa kanya, “Tumingin ka sa amin.”

5. Tumingin ang lalaki sa kanila na naghihintay na malimusan.

Mga Gawa 3