15. Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante, kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin.
16. Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko para hindi ito mawasak.
17. Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Sapagkat natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.
18. Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na bagyo, kaya kinabukasan, nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat.