14. Kaya tumayo si Pedro kasama ang 11 apostol, at nagsalita nang malakas, “Mga kababayan kong mga Judio, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayo sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayaring ito.
15. Mali ang inyong akala na lasing ang mga taong ito, dahil alas nuwebe pa lang ng umaga.
16. Ang pangyayaring itoʼy katuparan ng ipinahayag ni propeta Joel noon:
17. ‘Sinabi ng Dios, “Sa mga huling araw, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng uri ng tao.Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita;ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain;at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18. Oo, sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod na lalaki at babae, at ipapahayag nila ang aking mga salita.
19. Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok.
20. Magdidilim ang araw, at ang buwan ay pupula katulad ng dugo. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghahatol ng Panginoon.