Mga Gawa 15:31-41 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng sulat na nakapagpasigla sa kanila.

32. Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid para palakasin ang kanilang pananampalataya.

33. Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa Jerusalem, sa mga nagpadala sa kanila. Pero bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [

34. Pero nagpasya si Silas na magpaiwan doon.]

35. Nanatili sina Pablo at Bernabe ng ilang araw sa Antioc. Marami silang kasamang nagtuturo at nangangaral ng salita ng Panginoon.

36. Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid para malaman natin ang kalagayan nila.”

37. Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos.

38. Pero ayaw pumayag ni Pablo, dahil noong una nakasama nila si Marcos pero iniwan sila nito noong nasa Pamfilia sila.

39. Matindi ang kanilang pagtatalo, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at pumunta sila sa Cyprus.

40. Isinama naman ni Pablo si Silas. Bago sila umalis, ipinanalangin sila ng mga kapatid na tulungan sila ng Panginoon sa kanilang paglalakbay.

41. Pumunta sina Pablo sa Syria at sa Cilicia at pinatatag nila ang mga iglesya roon.

Mga Gawa 15