15. Itoʼy ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan,
16. ‘Pagkatapos nito, babalik ako,at itatayo kong muli ang kaharian ni David na bumagsak.Ibabangon ko itong muli mula sa pagkaguho,
17. para hanapin ako ng ibang tao – ang lahat ng hindi Judio na aking tinawag na maging akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito,
18. at matagal ko na itong ipinahayag.’ ”
19. Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga hindi Judio na lumalapit sa Dios.
20. Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Iwasan nila ang sekswal na imoralidad. At huwag kakain ng dugo o karne ng hayop na namatay nang hindi tumulo ang dugo.