Mga Gawa 12:23-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya binigyan ng papuri ang Dios. Inuod siya at namatay.

24. Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.

25. Samantala, bumalik sina Bernabe at Saulo sa Antioc galing sa Jerusalem matapos nilang maihatid ang tulong sa mga kapatid. Isinama rin nila si Juan Marcos.

Mga Gawa 12