Mga Gawa 12:21-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Nang dumating ang araw na makikipagkita na si Herodes sa mga taga-Tyre at taga-Sidon, isinuot niya ang damit panghari at umupo siya sa kanyang trono at nagtalumpati.

22. Sumigaw ang mga tao, “Isang dios ang nagsasalita at hindi tao!”

23. Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya binigyan ng papuri ang Dios. Inuod siya at namatay.

24. Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.

Mga Gawa 12