Mateo 5:6-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios,dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.

7. Mapalad ang mga maawain,dahil kaaawaan din sila ng Dios,

8. Mapalad ang mga taong may malinis na puso,dahil makikita nila ang Dios.

9. Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,dahil tatawagin silang mga anak ng Dios.

10. Mapalad ang mga dumaranas ng pag-uusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Dios,dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios.

Mateo 5