Mateo 27:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at ang pinuno ng mga Judio kung ano ang gagawin nila para maipapatay si Jesus.

2. Ginapos nila si Jesus at dinala kay Gobernador Pilato.

3. Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Jesus, nagsisi siya sa kanyang ginawa at isinauli ang 30 pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Judio.

Mateo 27