8. Nagalit ang mga tagasunod ni Jesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan?
9. Maipagbibili sana iyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.”
10. Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin.
11. Ang mga mahihirap ay lagi ninyong makakasama, pero ako ay hindi.
12. Binuhusan niya ako ng pabango para ihanda ang aking katawan sa libing.
13. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit saan man ipapangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”
14. Si Judas Iscariote na isa sa 12 tagasunod ay pumunta sa mga namamahalang pari.