35. Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan,
36. at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo, at nang nasa kulungan ako ay binisita ninyo.’
37. Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom?
38. Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan?
39. Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’