3. Ang mga mangmang ay nagdala ng ilawan pero hindi nagdala ng reserbang langis,
4. habang ang marurunong naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan.
5. Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay nakatulog sa paghihintay.
6. “Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, ‘Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’
7. Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan.
8. Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, ‘Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.’