Mateo 25:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “Ang paghahari ng Dios sa araw na iyon ay maitutulad sa kwentong ito: May sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan upang salubungin ang lalaking ikakasal.

2. Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy marurunong.

3. Ang mga mangmang ay nagdala ng ilawan pero hindi nagdala ng reserbang langis,

4. habang ang marurunong naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan.

5. Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay nakatulog sa paghihintay.

6. “Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, ‘Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’

7. Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan.

Mateo 25