18. Itinuturo rin ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa altar, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa handog na nasa altar, dapat niya itong tuparin.
19. Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog?
20. Kaya nga, kapag nanumpa ang isang tao sa altar, nanunumpa rin siya pati sa handog na nasa altar.
21. Kapag nanumpa siya sa templo, nanunumpa rin siya pati sa Dios na naninirahan doon.
22. At kapag nanumpa siya sa langit, nanunumpa rin siya pati sa trono ng Dios at sa Dios mismo na nakaupo roon.