Mateo 22:42-46 Ang Salita ng Dios (ASND)

42. “Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Cristo? Kaninong angkan siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.”

43. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung angkan lang siya ni David, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon,’ sa patnubay ng Banal na Espiritu? Ito ang sinabi niya,

44. ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,Maupo ka sa aking kanan hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’

45. Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging angkan lang ni David?”

46. Wala ni isa mang nakasagot sa tanong ni Jesus. Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.

Mateo 22