32. ‘Ako ang Dios nila Abraham, Isaac, at Jacob.’ Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay.”
33. Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang pagtuturo.
34. Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Jesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya.
35. Isa sa kanila, na tagapagturo ng Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin siya,
36. “Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
37. Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’
38. Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.
39. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’
40. Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”
41. Habang nagkakatipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus,