Mateo 21:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Malapit na sina Jesus sa Jerusalem. Pagdating nila sa nayon ng Betfage na nasa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawa niyang tagasunod

2. at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Makikita ninyo roon ang isang asno na nakatali, kasama ang bisiro nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin.

3. Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.”

4. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

5. “Sabihin ninyo sa mga naninirahan sa Zion na paparating na ang kanilang hari!Mapagpakumbaba siya, at nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.”

Mateo 21