Mateo 18:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios?”

2. Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi,

3. “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Dios.

4. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios.

5. “At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.

Mateo 18