Mateo 17:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan sa isang mataas na bundok ng sila-sila lang.

2. At habang nakatingin sila kay Jesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag.

3. Bigla nilang nakita sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.

Mateo 17