Mateo 15:34-39 Ang Salita ng Dios (ASND)

34. Tinanong sila ni Jesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.”

35. Pinaupo ni Jesus ang mga tao.

36. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang pagkain at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ipinamigay naman nila ito sa mga tao.

37. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang mga natirang pagkain at nakapuno sila ng pitong basket.

38. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga 4,000 maliban pa sa mga babae at mga bata.

39. Matapos pauwiin ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa lupain ng Magadan.

Mateo 15