Mateo 13:13-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Kaya nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, dahil tumitingin sila pero hindi nakakakita, at nakikinig pero hindi naman nakakaunawa.

14. Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa.Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.

15. Dahil matigas ang puso ng mga taong ito.Tinakpan nila ang kanilang mga tainga,at ipinikit ang kanilang mga mata,dahil baka makakita sila at makarinig,at maunawaan nila kung ano ang tama,at magbalik-loob sila sa akin,at pagalingin ko sila.’

16. Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.

17. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maraming propeta at matutuwid na tao noon ang naghangad na makakita at makarinig ng nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi ito nangyari sa kanilang panahon.”

18. “Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik:

19. Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Dios pero hindi nakaunawa. Dumating si Satanas at inagaw ang salita sa kanilang puso.

20. Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios at masaya itong tinanggap agad.

21. Ngunit hindi taimtim sa puso ang kanilang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa salita ng Dios na kanilang tinanggap, agad silang tumatalikod sa kanilang pananampalataya.

Mateo 13