5. At hindi rin ba ninyo nabasa sa Kautusan na ang mga pari ay nagtatrabaho sa templo kahit sa Araw ng Pamamahinga? Isa itong paglabag sa tuntunin ng Araw ng Pamamahinga, pero hindi sila nagkasala.
6. Tandaan ninyo: may naririto ngayon na mas dakila pa kaysa sa templo.
9. Mula sa lugar na iyon, pumunta si Jesus sa sambahan ng mga Judio.
10. May lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Jesus, kaya tinanong nila si Jesus, “Ipinapahintulot ba ng Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?”
11. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung mahulog ang tupa ninyo sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Siyempre, iaahon ninyo, hindi ba?
12. Ngunit mas mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya ipinapahintulot ng Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
13. Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.
14. Lumabas naman ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila ipapapatay si Jesus.
15. Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
16. Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya.
17. Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias:
18. “Narito ang pinili kong lingkod.Minamahal ko siya at kinalulugdan.Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu,at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.
19. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw,at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan.
20. Hindi niya ipapahamak ang mahihina ang pananampalatayao pababayaan ang mga nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi niya napapairal ang katarungan.
21. At ang mga tao sa lahat ng bansa ay mananalig sa kanya.”