Mateo 12:46-50 Ang Salita ng Dios (ASND)

46. Habang nagsasalita pa si Jesus sa mga tao, dumating ang ina niya at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at gusto nila siyang makausap.

47. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas ang po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makausap.”

48. Sumagot si Jesus, “Sino ang aking ina at mga kapatid?”

49. Itinuro niya ang mga tagasunod niya at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid.

50. Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Mateo 12